Sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang Tropical Storm ‘Rumbia’ sa layong 1,085 kilometro Hilaga-Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon.
Ang ikalawang bagyo naman o ang Tropical Storm Bebinca ay namataan sa layong 1,280 kilometro Kanluran ng Extreme Northern Luzon.
Patuloy na hinahatak ng TS Rumbia ang Habagat na siyang magdadala ng pag-uulan, pagkulog at pagkidlat sa Batanes at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region at Cordillera Administrative Region.
Ang natitirang bahagi naman ng Luzon kabilang na ang Metro Manila ay makararanas ng maalinsangang panahon na may posibilidad lamang ng pag-uulan dahil sa localized thunderstorms
Samantala, apektado ng trough ng LPA na nasa labas ng bansa ang Eastern at Central Visayas, Northern Mindanao at CARAGA Region.
Maulap na may kalat-kalat na pag-uulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa mga nabanggit na lugar.
Huling namataan ang sama ng panahon na nakakaapekto sa Visayas at Mindanao sa layong 1,950 kilometro Silangan ng Visayas.
Ayon sa PAGASA, posible itong maging bagyo sa loob ng 12 hanggang 24 na oras.
Maalinsangang panahon naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Visayas at buong Mindanao.