Buddha statue naibalik na sa India 57 taon matapos nakawin

AP

Naibalik na ng isang pulis mula sa London, England sa pamahalaan ng India ang isang 12th century Buddha statue matapos itong nakawin 57 taon na ang nakararaan.

Sa isang seremonya bilang pagdiriwang sa araw ng kalayaan ng India ay inabot mismo ng pulis sa Indian representative ang bronze statue na mayroong silver inlay.

Isa lamang ito sa 14 na mga statue na ninakaw sa isang mueo sa Nalanda, India noong 1961.

Nabatid na tinawagan ng mga representante ng Association for Research into Crimes Against Art at India Pride Project ang mga otoridad matapos makita ang nasabing statue sa isang trade fair.

Matapos malaman ng may-ari ng statue at ng dealer nito na ninakaw pala ang artifact ay maayos naman itong nakipag-cooperate sa mga otoridad at pumayag silang ibalik ito sa pamahalaan ng India.

Read more...