Sila ay nag-alay ng bulalak, nagtirik ng kandila at nanalangin sa lugar kung saan natagpuang duguan at wala nang buhay si Kian sa Barangay 160 sa Caloocan City.
Panawagan nilang lahat na huwag kalimutan si Kian at ang sinapit nito sa war against drugs ng mga pulis.
Ayon kay Krisha, kapatid ni Kian, labis ang pangungulila ng kanilang pamilya.
Giit nito, itigil na ang kampanya kontra ilegal na droga kung saan ang mga biktima ay mga bata at mahihirap lang.
Para naman sa grupong Tindig Kabataan at Akbayan, hindi patas ang hustisya sa war against drugs ng administrasyon dahil mga inosente ang pinapalabas na drug courier habang ang big time drug lords ay nagiging state witness.
Sa August 17, ang mismong araw ng death anniversary ni Kian at magkakaroon muli ng pagtitipon ang iba’t ibang grupo.