Carlos Celdran umapela sa Korte Suprema

Umapela si Carlos Celdran sa Korte Suprema na ibasura ang nauna nitong desisyon na katigan ang hatol ng mababang hukuman na siya ay ikulong ng aabot sa hanggang isang taon at dalawang buwang pagkakakulong.

Hinatulong guilty si Celdran sa kasong “offending religious feelings” nang mambastos ito sa isang ecumenical service sa Manila Cathedral noong 2010.

Sa kanyang 36 na pahinang ‘motion for reconsideration’ iginiit ni Celdran na hindi dapat siya makulong dahil lamang sa pagtataas ng placard na may salitang ‘Damaso’ at ipinangalandakan ito sa loob ng Manila Cathedral.

Kasabay nito, hinimok din ni Celdran ang Kataas-taasang Hukuman na ideklara ang krimen na ‘offending religious feelings’ sa ilalim ng Article 133 ng Revised Penal Code bilang unconstitutional.

Taliwas anya ito sa sinasabi ng Konstitutisyon tungkol sa ‘separation of state and religion’.

Noong 2010 ay nagbihis Jose Rizal si Celdran at nagsisigaw sa loob ng Manila Cathedral habang bitbit ang placard sa harapan nina Gaudecio Cardinal Rosales, Papal Nuncio, mga obispo at mga mananampalataya.

Read more...