WATCH: Pacquiao, sinabing seryoso si Duterte na gusto nang mag-resign

Naniniwala si Senador Manny Pacquiao na seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa nabanggit nitong gusto na niyang magbitiw sa puwesto.

Ibinahagi ni Pacquiao na sa mga pag-uusap nila ng pangulo ay nasasabi nito na gusto na niyang umayaw sa kanyang posisyon.

Ngunit sa pagkakakilala niya kay Duterte, sinabi ng senador na hindi ito ang tao na sumusuko at tumatalikod sa problema.

Narito ang ulat ni Jan Escosio:

Read more...