“Parang ang gusto ko ba na kapag nahuli yung nagpasok ng droga na yan dito, ilagay sa tabi niya yung droga at ipakita sa taumbayan at i-firing squad,” pahayag ni Sen. Manny Pacquiao.
Ito ay dahil sa labis na pagkadismaya sa patuloy na pamamayagpag ng droga sa bansa sa kabila ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon sa senador, tila iniinsulto ng mga drug trafficker ang gobyerno kaya’t aniya kailangan na talaga na maibalik ang death penalty sa bansa.
Nag-ugat ang pagkadismaya ni Pacquiao sa napaulat na pagkakapuslit ng P6.8 bilyong halaga ng shabu sa Bureau of Customs (BOC).
Sinabi nito na naghain na siya ng resolusyon na hinihiling ang pag-iimbestiga sa panibagong insidente ng shabu smuggling.
Narito ang buong ulat ni Jan Escosio: