Lima pang container vans na naglalaman ng magnetic lifters ang nadiskubre ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP).
Katulad ito ng dalawang magnetic lifters na una nang nakumpiska sa MICP na naglalaman ng mahigit P4 bilyon at apat na nadiskubreng abandonado sa isang bodega sa Cavite.
Nabatid na galing sa China ang mga inalertong container vans at naka-consign sa kumpanyang Wan Ching Steel Corp. na may business address sa San Simon, Pampanga at ipinadala ng Xiamen TopSun Trade Co., LTD.
Gayunman, sa resulta ng ginawang mandatory non-intrusive x-ray examination, nag-negatibo sa shabu ang dalawang magnetic lifter mula sa mga container van na dumating sa Manila South Harbor noong August 8, 2018.
Hinarang pa rin ito dahil iba ang laman nito sa idineklara ng importer.
Sa deklarasyon ng consignee, Industrial everhead cranes ang laman ng container van na may iba pang kasamang items ang shipment.
Nahaharap ang consignee nito sa paglabag sa Customs Modernization and Tarriff Act.