August 21, idineklarang regular holiday para sa Eid al-Adha

Idineklara ng Palasyo ng Malakanyang na regular holiday sa buong bansa sa August 21 bilang paggunita sa Eid al-Adha o Feast of Sacrifice ng mga Muslim.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation no. 556.

Ito ay base na rin aniya sa naging rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).

Matataon din ang paggunita sa Eid al-Adha sa paggunita ng Ninoy Aquino day na isa ring regular holiday.

Read more...