Mayor Erap, iimbestigahan ng DILG dahil sa 27 ghost barangays

Hindi sasantuhin ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada at iimbestigahan ang 27 na ghost barangay na una nang kinuwestyun ng Commission on Audit (COA).

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni DILG officer-in-charge Eduardo Año na kinakailangan na lamang nila ngayon ng mga impormasyon para maimbestigahan na si Estrada.

Ayon sa COA, nakatanggap ng P108 milyon real property tax shares ang 27 ghost barangay.

Sinabi pa ni Año na pursigido ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na labanan ang korupsyon sa pamahalaan kung kaya walang sasantuhin kahit na sinuman.

“Magko-conduct tayo ng investigation diyan sa mga report na yan. Alam niyo naman yung ating emphasis sa administrasyon na ‘to, corruption. So wala tayong sasantuhin dito. We just need the information, the data and we will conduct the investigation,” ani Año.

Nasa pangangasiwa ng DILG ang local government units gaya ni Estrada.

Read more...