Kinilala ang napatay na si Abdul Ajim Abdulgani o mas kilala bilang Suraka Ingog.
Ayon kay Rear Admiral Rene Medina, nakatanggap ng impormasyon ang tropa ng pamahalaan sa presensiya ni Abdulgani sa bahagi ng Kalimayahan.
Narekober kay Abdulgani ang isang caliber 45 pistol na may kasamang magazine at mga bala, at pera na aabot sa mahigit P2,000.
Dinala na ang bangkay nito sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital sa Busbus, Jolo.
Kilala rin si Abdulgani bilang isang sub-leader ng ASG sa lalawigan at nagsilbi rin bilang henchman ni ASG commander Muamar Askali na napatay sa Bohol noong April 2017.
Patuloy naman ang operasyon ng militar laban sa mga bandidong grupo.