Tuloy pa rin ang isinasagawang spilling operations sa San Roque dam sa Pangasinan, ayon sa National Power Corporation (Napocor).
Sa isang pahayag, sinabi ni Napocor Dams Management Department head, Engr. Conrado Sison, nananatiling mas mataas sa normal ang lebel ng tubig sa dam.
As of 10:00 ng umaga, nasa 285.61 meters above sea level (masl) ang dam kung saan 5.61 masl itong mas mataas sa normal na antas ng tubig.
Dagdag pa ni Sison, bumaba na ang naturang lebel ng tubig matapos magpakawala ng tubig na 1,342 cubic meters per second hanggang 890 cms.
Patuloy naman aniya ang makikipag-ugnayan ng ahensya sa Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para sa tutukan ang dam.
Samantala, nakataas pa rin ang babala sa posibleng pagbabaha sa ilang munisipyo kabilang ang San Manuel, San Nicolas, Tayug, Sta. Maria, Villasis, Asingan, Rosales, Alcala, Bayambang at Bautista.