Duterte, bababa sa pwesto kung si Bongbong Marcos o Escudero ang papalit sa kanya

Inquirer file photo

Bababa lamang sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte kung katulad nina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. o hindi kaya si Senador Francis “Chiz” Escudero ang kanyang magiging successor o papalit sa kanyang babakantehing puwesto.

Sa talumpati ng pangulo sa dinner sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas sa Malakanyang, hindi kasi kakayanin ni Vice President Leni Robredo na pamunuan ang bansa.

“I think deep in my heart, if you follow the succession and Robredo takes over, hindi niya kaya,” pahayag ni Duterte.

Ayon sa pangulo, honest opinion ang kanyang pahayag na hindi si robredo ang nararapat na pumalit sa kanyang puwesto.

“Hindi niya (Robredo) kaya, that’s my honest opinion ko lang. Kung na sino lang sana diyan, in the likes of Escudero or Bongbong Marcos,” ani ng Punong Ehekutibo.

Dalawang beses pang binanggit ng pangulo na sina Marcos at Escudero lang ang akmang pumalit sa kanyang puwesto.

Matatandaang makailang beses sinabi ng pangulo na pagod na siya sa kanyang trabaho at gusto nang bumaba sa puwesto.

Read more...