Mga aplikante at nominado para maging susunod na chief justice isasailalim na sa panayam ng JBC

Isasailalim na sa panel interview ng Judicial and Bar Council (JBC) ang mga aplikante at nominado para sa pagiging chief justice ng Korte Suprema.

Ang public panel interview ay gagawin sa Huwebes, August 16 sa Division Hearing Room ng Supreme Court Main Building sa Padre Faura, Maynila.

Unang sasalang sa interview sina Supreme Court Associate Justices Lucas Bersamin, Teresita Leonardo-De Castro at Diosdado Peralta simula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 12:00 ng tanghali.

Habang ang 2nd batch naman mula alas 2:00 ng hapon hanggang alas 5:00 ng hapon ay sasalang sa panel interview sina Supreme Court Associate Justice Andres Reyes Jr., at Davao Del Norte RTC Judge Virginia Tejano-Ang.

Ayon sa JBC, sinumang may reklamo o pagtutol sa mga aplikante at nominado ay maaring magsumite ng kanilang sworn complaint sa pamamagitan ng e-mail o kaya ay personal na dalhin ang liham sa JBC office.

Read more...