Ayon kay Leyte Rep. Henry Ong, dapat kumilos si AFP Chief of Staff Carlito Galvez at kaagad makipag-ugnayan sa Anti-Money Laundering Council at Department of Justice upang kaagad ma-freeze ang accounts ng mga sangkot na military officials.
Bukod anya sa mga bank accounts ng dalawampung opisyal kasama sina AFP Health Service Commander Brig. Gen. Edwin Torrelavega at V. Luna Medical Center Commander Col. Antonio Punzalan dapat ma-freeze din ang mga liquid assets ng mga ito.
Hindi anya dapat maunahan ang pamahalaan at mailipat ang pera ng mga nasibak na opisyal para makaiwas sa pananagutan.
Iginiit pa ng mambabatas na dapat ipawalang bisa ang mga nilagdaan ng mga ito.
Bukod dito, dapat din anyang ingatan ang mga financial records, paper at electronic trail na kuwestyunableng pinasok ng mga sinibak na military officials.