Bangkay ng lalaki natagpuang palutang-lutang sa gilid ng sea wall sa Baseco compound

MPD Photo

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan na palutang-lutang sa gilid ng sea wall sa Baseco compound sa lungsod ng Maynila.

Kinilala ng Baseco Police Community Precinct ang bangkay ng lalaki na si RJ Basuecos, 26-anyos, residente ng San Antonio Valley, Paranaque City.

Kaagad namang iniulat ng pulisya sa Philippine Coast Guard ang pangyayari para kunin ang bangkay.

Ayon kay Baseco PCP Commander, Supt. Igmedio Bernaldez, dinala na sa Archangel Funeral homes ang mga labi ng biktima para iproseso.

Pinaniniwalaang nalunod ang biktima sa kasagsagan ng mga pagbaha noong mga nakaraang araw dahil sa habagat.

Read more...