Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang manlaban sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Romblon.
Ayon kay Supt. Imelda Tolentino, information officer ng MIMAROPA police, nagkasa ng buy-bust operation ang mga pulis laban sa suspek na si Rolando Medina, 49 anyos sa bayan ng Odiongan.
Gayunman, nanlaban ang suspek kaya nauwi sa engkwentro ang operasyon.
Si Medina na residente ng Barangay Malabanan sa bayan ng Balete ay naisugod pa sa Romblon Provincial Hospital pero binawian din ng buhay.
Nakuha mula sa suspek ang isang cabiler 38 revolver na may apat na bala, isang plastic sachet ng hinihinalang shabu, cellphone, at wallet.
MOST READ
LATEST STORIES