Aabot sa P10,000 halaga ng cash at mga produkto ang natangay sa honesty store na nasa loob ng headquarters ng Manila Police District (MPD).
Base sa isinagawang imbestigasyon, nakita sa CCTV na noong July 23 ng gabi isang alyas Liza n anagsisilbing “striker” sa MPD ang nakitang may kinukuha sa garapon na lagayan ng pera sa tindahan.
Agad na sinibak sa pwesto ang babaeng striker ng MPD.
Gayunman, hindi na ito nagpapakita matapos pumutok ang balitang nakawan sa kita ng kauna-unahang honesty store sa headquarters.
Si alyas Liza ay matagal na ring nagseserbisyo sa iba’t ibang unit ng Manila police.
Ayon sa kooperatiba ng MPD, kung susumahin ang mga nawalang kita at produkto ay aabot sa mahigit P10,000 ang halaga.
Nauna nang nagduda ang mga namamahala ng honesty store sa biglang pagbaba ng kanilang kita sa tindahan matapos itong ilunsad noong June 9.