Lalaki sugatan matapos paputukan ng gwardya dahil pumasok sa riles ng MRT

Inquirer Photo | Richard Reyes

Sugatan ang isang lalaki makaraang paputukan ng security guards ng MRT nang tumalon siya riles ng tren sa Makati City, Miyerkules (Aug. 15) ng umaga.

Kinailangang paputukan ang hindi pa nakikilalang lalaki upang siya ay ma-neutralize dahil sa pagpasok niya sa riles sa pagitan ng Ayala at Magallanes stations ng MRT northbound.

Batay sa impormasyon mula sa pamunuan ng MRT-3, alas 8:43 ng umaga nang nakitang naglalakad sa riles ang hubo’t hubad na lalaki na hinihinalang palaboy o taong grasa.

Nang lapitan siya ng mga security guard para pakiusapang lisanin ang lugar ay nakipambuno umano ang lalaki.

Dinala sa Magallanes station ang lalaki at agad nilapatan ng lunas.

Hawak naman na ng Makati Police ang security guard ng MRT na si Federico Bustamante na nakabaril sa lalaki.

Ang riles ng tren sa pagitan ng dalawang istasyon ay street-level kaya nagawang mapasok ng lalaki nang hindi dumadaan sa tamang entrance.

Read more...