Ito ay upang mas maipatupad ng maayos ang High Occupancy Vehicle scheme sa kahabaan ng EDSA na nagbabawal sa mga sasakyang driver lang ang sakay.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia na 70 percent lang dapat ang tint ng mga sasakyan at dapat kita pa rin ang mga nasa loob nito.
“Nagkaroon na po kami ng pagpupulong sa LTO, actually ilalabas na po nila ang guidelines nila diyan na talagang bawal na ang heavily tint na iyan no. Ang alam ko 70 percent lang dapat, at least naaaninag po kung ilan ang tao sa loob. Pero kahit po papaano kaya nga po lagi namin sinasabi sa mga motorista, hindi porket walang enforcer o hindi kayo hinuhuli ay lalabag na kayo sa batas trapiko. Ang sa amin po nakikiusap kami na dapat tulong-tulong lahat, hindi pwedeng isang sektor lang ang mabibigyan ng polisiya. Dapat po lahat magsakripisyo,” ani Garcia.
Sa mga susunod na araw, ilalabas na aniya ng LTO ang guidelines para dito dahil bawal talaga ang mga sasakyan na heavily tinted at hindi na maaninag ang loob.