Mayor Sara Duterte, “dictator in the making” ayon kay Pang. Duterte

Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na may umuusbong na diktador na lider sa Davao City.

Pero ayon sa pangulo, hindi siya kundi ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang dictator in the making.

Ayon sa pangulo, bilang mayor ng Davao, nagpatupad ng curfew ang kanyang anak kung saan pagsapit ng alas 12:00 ng hatinggabi, sarado na ang mga tindahan o iba pang establisyemento at bawal na ang patambay-tambay sa kalye.

Pinagbawal din sa Davao ang pag-inom ng alak pagsapit ng alas 12:00 ng hatinggabi.

Kapag hindi aniya sumusunod ang mga taga Davao sa mga ordinansa ng kanyang anak, tiyak na sa presinto ang kanilang bagsak.

“Because in Davao there’s another dictator offing, not me,[laughter] but she has a Duterte surname. If you go to Davao at 12 midnight, everything closes. Don’t know but this sounds to be a — that she has to… No more. Yeah, in Davao you cannot smoke, you cannot drink beyond ‪12 o’clock‬. If you stand there in the corner and just talk there, then you will be asked by the police to continue your conversation in jail,” ayon sa pangulo.

Read more...