PCG may limang bagong rubber boats

PCG Photo

Tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang limang bagong rubber boats na donasyon ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) Executive Squadron.

Pinangunahan nina PCG Commandant Admiral Elson Hermogino at PCGA Rear Admiral James Dy ang isinagawang turnover ceremony para sa mga bagong rubber boat.

Ang lima ay pauna lamang sa sampung rubber boats na ibibigay ng PCGA sa coast guard.

Layon nitong mas palakasin pa ang kakayahan ng coast guard sa kanilang search and rescue operations kapag may nagaganap na pagbaha sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

 

Read more...