Umakyat na sa anim ang nasawi sa malagim na sunog na sumiklab Martes ng hapon sa Tondo, Manila.
Huling naitalang nasawi ay ang ina ng magkapatid na batang sina sina Isabel, 8 at Bryan Ygonia, 7.
Nasawi ang ginang nang isugod ito sa Gat Andres Hospital sa Maynila kung saan siya ay idineklarang dead on arrival.
Ayon kay Senior Insp. Redentor Alumno, chief arson investigator ng Manila Fire Bureau, mabilis na kumalat ang apoy kaya hindi na nagawang makababa sa inuupahang bahay ang mga biktima.
Magkakatabi nang makita ang mga bangkay. Nabatid na may fire exit ang gusali ngunit nasa ikatlong palapag ito at walang hagdan pababa.
Wala rin umanong permit ang paupahan.
Umabot lamang ang sunog sa ikalawang alarma na nagsimula 1:50 ng hapon at idineklarang under control bandang alas-3 ng hapon.
Sa kabuuan, 25 pamilya ang naapektuhan sa sunog na tumupok sa 15 bahay.
Nahirapan ang mga bumbero na makapasok sa lugar dahil sa sikip ng mga daan sa lugar.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa sanhi ng sunog.