Don Marcelino, Davao Occidental niyanig ng lindol

Don Mareclino Davao OCCNiyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang bayan ng Don Marcelino sa Davao Occidental.

Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa 8 kilometers South ng bayan ng Don Marcelino, alas 10:32 ng umaga ng Martes, October 27.

May lalim ang pagyanig na 64 kilometers at tectonic ang origin.

Naitala ang intensity 4 sa Malungon, Sarangani, Intensity 3 sa Davao City; Digos City; Padada, Davao del Sur, Alabel, Sarangani at sa General Santos City at Intensity 2 naman sa Tupi, South Cotabato.

Ayon sa Phivolcs wala namang inaasahang pinsala o aftershocks matapos ang nasabing lindol.

Read more...