Dahil wala na sa senatorial list ng Poe-Chiz tandem, Lacson buo na ang suporta kay Roxas

PING EDI
INQUIRER.net AND RADYO INQUIRER FILE PHOTOS

Nagdeklara ng suporta si Senatorial aspirant Panfilo “Ping” Lacson sa kanditura ni dating DILG Sec. Mar Roxas.

Ito ay matapos na maalis siya sa listahan ng senatorial slate ng Poe-Chiz tandem.

Ayon kay Lacson, tinawagan siya ni Senator Grace Poe noong Biyernes para sabihing siya ay papalitan ng aktor na si Edu Manzano para sa line up ng tandem nila ni Senator Chiz Escudero. “Senator Poe called me up last Friday and requested that I be substituted by Edu Manzano. I said, no problem, I’m okay with it,” ayon kay Lacson sa text message.

Kuwento ni Lacson, dalawang beses siyang kinausap noon ni Poe, para hilinging sumama siya sa senatorial slate ng Poe-Chiz tandem. Sinabi ni Lacson na pumayag naman siya sa kundisyon na walang ipatutupad na anomang obligasyon.

Sinabi ni Lacson na bilang isang guest candidate sa Poe-Chiz tandem, alam naman niya na maari siyang maalis sa slate.

Samantala, sinabi ni Lacson na sinusuportahan niya ang kandidatura ni Roxas sa pagka-pangulo dahil wala itong kinasasangkutang isyu ng korapsyon. Wala din aniyang kinakaharap na disqualification case si Roxas at walang health issues di gaya ng ibang kandidato.
Ipinaliwanag naman ni Poe na sa proseso ng kanilang pagsasapinal sa senatorial line-up, naisip nilang ikunsidera ang ibang kandidato na walang kinabibilangang partido o mas may kaunting resources gaya ni Manzano.

Ayon kay Poe, si Lacson naman ay iniendorso ng Liberal Party (LP) at ng United Nationalist Alliance (UNA) at maituturing na strong at worthy candidate.

Read more...