Sa abiso ng Meralco, mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 2:00 ng hapon ay magkakaroon ng power interruption sa Barangay Maitim sa Bay, Laguna.
Ililipat kasi ng Meralco ang mga pasilidad nilang naapektuhan ng bridge widening project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Jose Rizal Avenue.
Sa Antipolo City naman, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon mawawalan ng kuryente sa bahagi ng Barnagay San Jose.
Ito ay dahil naman sa line reconductoring work ng Meralco sa Sitio Pantay sa naturang barangay.
Samantala, alas 10:00 ng umaga hanggang alas 3:00 din ng hapon ang nakatakdang power interruption sa General Trias, Cavite.
Maapektuhan ang bahagi ng Barangay Navarro bunsod ng pagagawing paglilipad ng pasilidad sa kahabaan ng Pag Asa Street.