Pangulong Duterte handang hindi na bumisita sa Israel

Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na kanselahin ang kanyang biyahe sa Israel kapag nagtagumpay ang mga human rights activists doon na kumbinsihin si Prime Minister Benjamin Netanyahu na huwag ituloy ang pakikipagpulong sa punong ehekutibo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, wala namang problema sa pangulo kung hindi matutuloy ang kanyang biyahe sa Israel.

“If they persuade the prime minister to call off the visit, of course, we will call it off. Walang problema,” ani Roque.

Kinukumbinsi ng mga human rights activiists ang prime minister ng Israel na huwag harapin si PangulongDuterte dahil sa human rights violation ng administrasyon bunsod ng pinagiting na kampanya kontra sa iligal na droga.

Ayon kay Roque, makasaysayan ang pagbisita ng pangulo sa Israel dahil ito ang unang pagkakataon na bibisita ang isang pangulo ng Pilipinas sa naturang bansa sa nakalipas na 60 taon.

Matatandaang nabalot ng kontrobersiya noon ang pangulo nang sabihin na masaya siyang papatayin ang mga drug addict sa Pilipinas gaya ng ginawang massacre noon ni Nazi leader Adolf Hitler sa milyong Hudyo.

Read more...