Pinag-iisipan na ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba sa pwesto.
Sa kanyang talumpati sa Malacañan, inamin ng pangulo na sinabi niya sa militar at pulisya sa kanilang command conference na pagod na siya sa kakahabol sa mga tiwaling nagtatrabaho sa gobyerno.
Hindi umano galit ang pangulo kaninuman ngunit tila hindi na aniya natapos ang kanyang paglaban sa kurapsyon at nalason na nito ang halos lahat ng ahensya ng gobyerno.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagsabi si Pangulong Duterte na bababa na siya sa pwesto.
Una na nitong ipinangako na magbibitiw siya sa pwesto kapag nabigo siyang tapusin ang problema sa droga at kriminalidad sa loob ng 3 hanggang 6 na buwan.
MOST READ
LATEST STORIES