Kalakaran ng shabu laganap pa rin ayon sa PDEA

Aminado ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na laganap pa rin ang shabu sa bansa.

Sa pagtatanong ni Catanduanes Representative Cesar Sarmiento, sinabi ni PDEA Deputy Director General for Operations Ruel Lasala, pangunahin pa ring nag susupply ng shabu sa bansa ang Chinese triad at African drug group.

Mayroon aniyang ilang mga pamamaraan ang ginagawa ng mga sindikato upang magkaroon ng shabu sa bansa kabilang na dito ang smuggling, paglalagay sa mga bagahe, at courier service.

Ipinagmalaki naman nito na sa kanilang monitoring ay kaunti na lamang ang nagtatayo ng shabu laboratory.

Pinakahuli aniya sa mga shabu lab na kanilang sinalakay ay ang sa Ibaan, Batangas at Malabon.

Sinabi naman ni Customs Commissioner Isidro Lapeña na malaking tulong kung bakit nahihirapan ang mga sindikato na magpasok ng shabu sa bansa ay dahil sa pagsuspinde nila ng green lane.

Read more...