Mga bagong recruit sa PNP isasailalim sa disaster response training

Nais ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na palakasin ang disaster response courses sa training program ng kanilang mga bagong recruits.

Sinabi ni Albayalde kapansin-pansin naman na sa tuwing may kalamidad ay ang mga pulis ang kabilang sa mga unang nagbibigay saklolo at maging sa paghahanda pa lang ay kasama na sila.

Sa ngayon aniya ang kanilang disaster relief and response courses ay inaalok sa kanilang mobiles forces, partikular na sa Special Action Force (SAF) at Public Safety Companies and Battalions.

Kahapon, higit 4,000 libong pulis ang inatasan na tumulong sa relief distribution and rehabilitation sa mga lugar na nasalanta ng matinding pagbaha dulot ng bagyong Karding at habagat.

Nabatid na maging ang PNP Maritime Group, Highway Patrol Group (HPG) at Police Community Relations Group ay sinanay sa pagbibigay tulong sa tuwing may kalamidad.

Ayon kay PNP spokesman Senior Superintendent Benigno Durana Jr., gumagana ang kanilang Disaster Incident Management Task Group sa Camp Crame para sa kanilang mga pagkilos at pakikipag-ugnayan sa ibang ahensiya ng gobyerno.

Aniya may sinusunod din silang Critical Incident Management Operational Procedures bilang suporta sa disaster risk reduction and management plan ng gobyerno.

Read more...