Pangulong Duterte muling minaliit si VP Robredo

Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na dati umanong hotbed ng shabu o drug den ang Naga City, Camarines Sur na balwarte ni Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga negosyante, muling minaliit ng pangulo ang kakayahan ni Robredo na mamuno ng bansa.

Naniniwala umano si Duterte na hindi na pwedeng mag-improve pa si Robredo.

Dagdag ng pangulo, tiyak na itatanggi ng bise presidente ang kanyang sinabi.

Pero nag-aatubili umano siya na si Robredo ang pwedeng sumunod sa kanyang mamuno alinsunod sa Konstitusyon.

Matatandaan na una nang sinabi ng pangulo na incompetent si Robredo para maging sunod na pinuno ng bansa.

Read more...