Pangulong Duterte bibisita sa Jordan

Bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa bansang Jordan matapos ang kanyang nakatakdang state visit sa Israel sa Seytembre.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperon Harry Roque sa pulong balitaan sa Malacañang.

Hindi pa inilalabas ng palasyo ang detalye ng pagbisita ni Duterte sa Jordan.

Ayon kay Roque, gusto ng gobyerno na itaguyod ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng nasyon sa Middle East.

Matatandaang nangako ang Jordan na magbibigay ito ng dalawang helicopters sa Pilipinas.

Samantala, nakatakda na sa September 2 hanggang September 5 ang pagbisita ni Pangulong Duterte sa Israel na unang beses para sa isang Philippine president nang magsimula ang diplomatic ties ng dalawang bansa noong 1957.

Read more...