Baril ng security guard ginamit sa pagpapakamatay ng isang lalaki sa Laguna

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki matapos itong magpatiwakal sa loob ng isang gusali sa Barangay Poblacion 3, Santa Cruz, Laguna.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang lalaki.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, inagaw ng lalaki ang service firearm ng security guard na si Norberto Garay Nievarez.

Ginamit umano nito ang baril upang paputukan ang guard bago nagbaril sa kanyang sarili.

Sa ngayon ay nagpapagaling na si Nievarez sa Laguna Medical Center.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente.

Read more...