Mahigit 45 metro o 150 talampakan ang ihinulog ng mga sasakyan matapos gumuho ang bahagi ng Morandi Bridge sa Genoa, Italy.
Ayon sa mga otoridad, hindi bababa sa 20 katao ang nasawi dahil sa aksidente. Ngunit hindi pa ito ang pinal na bilang habang nagpapatuloy pa ang search and rescue operations sa guho.
16 katao naman ang narescue at sugatan bunsod ng aksidente.
Tinatayang nasa 30 hanggang 35 mga sasakyan at talong heavy trucks ang bumagsak sa mga warehouse na nasa ilalim ng tulay.
Bago pa man maganap ang pagguho ay binatikos na ang pagpapatayo sa mahigit isang kilometrong tulay. Tinawag pa itong ‘failure of engineering’ ng isang eksperto noong 2016.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad upang malaman ang sanhi sa pagguho ng Morandi Bridge na nagdudugtong sa Italy at France.
Sakaling mapatunayan na mayroong pagpapabaya ay tiniyak ng pamahalaan ng Italy na pagbabayarin ang mga ito.