Ben Tulfo: Marami ang naiinggit sa programa namin

Ben Tulfo/Instagram

Pumayag naman si Ben Tulfo na ma-interview ng Senate reporters matapos ang pagdinig sa P60 Million advertisement contract ng Department of Tourism sa PTV 4.

Naging diretso si Tulfo sa kanyang pahayag at sinabi na kaya siya nanahimik ay hindi naman siya nakakakuha ng patas na balita at sinabi pa na source ng fake news ang mainstream media.

Dagdag pa ng may ari ng Bitag Media Unlimited Inc., na pilipit ang anggulo ng mga balita tungkol sa diumano’y anomalya sa advertising contract na pinasok ng government TV network at ng kanyang ate na si dating Tourism Sec. Wanda Tulfo-Teo.

Iginiit pa ni Tulfo, ang producer ng programang Kilos Pronto na nabuhusan ng P60 Million advertisement contract, na hindi dapat pinag-uusapan ang ratings ng kanilang programa kundi ang bilang ng kanilang followers.

Pagdidiin pa nito, kinaiingitan ang kanilang programa.

Sinabi pa nito dahil pakiramdam niya na aabot sa korte ang isyu kaya’t sa korte na lang aniya siya magsasalita.

Read more...