Daloy ng trapiko sa EDSA-Ayala northbound ilang minutong tinigil dahil sa nasunog na bus

Bus Fire via Julian Baranda
FB Photo / Julian Baranda

Isang pampasaherong bus ang nagliyab sa northbound lane ng EDSA malapit sa Ayala Avenue, Martes ng umaga.

Ayon sa MMDA, tinupok ng apoy ang Nova Bus na may plate number na TWS 207, dahilan para labing limang minutong itigil ang daloy ng trapiko sa lugar habang kasagsagan ng malakas na pagliyab.

Sinabi sa Radyo Inquirer ni Emma Loristo ng MMDA Metrobase na agad din namang naapula ang apoy pero umabot sa bahagi ng Taft Rotonda ang tukod ng trapiko.

Wala ring nasaktan sa naganap na sunog dahil agad na nakababa ang mga pasahero ng bus.

Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng pagliliyab ng bus.

Read more...