Pinuna ni Antipolo City Rep. Romeo Acop ang hindi pagsipot ni PDEA Director General Aaron Aquino sa pagdinig ng Kamara sa lumusot na P6.8B halaga ng shabu sa Bureau of Customs.
Ayon kay Acop, napaka-importante ng pagdinig pero inisnab ito ni Aquino.
Sinabi ni Acop na sa mga pagdinig ng Dangerous Drugs Committee ay hindi pa nito naaaninag ang PDEA chief.
Dapat anyang humarap sa mga susunod na pagdinig si Aquino dahil ito na rin anya ang umamin na malala ang problema sa droga ng bansa.
Kaugnay nito, hiniling nito sa komite na magpadala ng “strongly worded letter” kaya Aquino para mapadalo ito sa mga susunod na pagdinig na inaprubahan naman ng komite.
Sinabi naman ni Committee Chair Robert Ace Barbers na nagpasabi si Aquino na huli na niya nalaman ang pagdinig kaya hindi makakadalo dahil may nauna itong dadaluhan sa labas ng metro manila na atas ng pangulo.