“The Weekend” magco-concert sa Pilipinas s Disyembre

Inanunsiyo ng Canadian singer na si The Weeknd ang kaniyang kauna-unahang Asia concert tour ngayong taon.

Gamit ang kaniyang Instagram account, nag-post ang singer ng office poster kung saan makikita ang mga petsa ng kaniyang concerts sa Asya simula sa November 30.

Nakatakda namang ang Manila concert tour ng 28-anyos ng singer sa December 7, 2018.

Maliban dito, mag-peperform din ang singer sa Hong Kong, Thailand, Singapore, Indonesia, Taiwan, South Korea at Japan.

Nakilala si The Weeknd sa kaniyang mga kantang “Starboy,” “I Feel It Coming,” “Earned It,” at “The Hills.”

Read more...