Dingdong Dantes pinuna ang pag-edit ng “Ang Probinsyano” sa kanilang family photo

Nagsalita na ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes sa pag-gamit ng teleseryeng “Ang Probinsyano” sa kanyang ng family photo niya para sa eksena sa teleseryeng “Ang Probinsyano” sa ABS-CBN.

Ang nasabing eksena ay napansin ng mga fans nina Dingdong at ng misis nitong si Marian Rivera at shinare pa sa Facebook.

Sa nasabing eksena, ginamit ang wedding foto nina Dingdong at sa pamamagitan ng photoshop ay pinalitan ang kanilang mukha para ilagay ang mukha ng karakter nina Alice Dixson at Edu Manzano.

Bukod sa wedding photo, ginamit din sa isa pang eksena ang family photo ng mag-asawa kasama pa ang anak nilang si Zia.

Sa isang statement, sinabi ni Dingdong na ayaw na sana niyang pansinin ang isyu pero kahapon, naglabas siya ng statement alang-alang na rin aniya sa kanyang mga taga-suporta. “I have been deeply thinking about disclosing my response to the public. However, I owe it to the DongYanatics, to other friends who also expressed their concern, and to our family, to share our action regarding this.”

Ang nasabing liham ay ipinarating na rin sa production team ng “Ang Probinsyano.”

Umaasa naman ang kapuso actor na hindi na mauulit ang ganitong pangyayari. “Courtesy and fair practice must always be observed especially in an established industry like ours. But whether or not it is done within the entertainment sector, we should always be reminded of the basic etiquette for online photo use and sharing that includes asking permission and/or citing sources. I do hope that this won’t happen again to anyone.”

Read more...