Mayroon pang mahigit 3,000 mga pamilya o katumbas ng mahigit 16,000 indibidwal na nananatili sa mga evacuation center sa Marikina City.
Sa datos mula sa Marikina City Rescue, kabuuang 3,714 na pamilya o 16,640 katao ang nasa iba’t ibang evacuation centers pa din.
Pinakamaraming evacuees ang nasa Malanday Elementary School na nasa 3,973 na katao at ang mga nasa H. Bautista Elementary School na nasa 3,158 na katao.
Marami pa ring evacuees sa Nangka Elementary School na nasa 2,854 na indibidwal at sa Concepcion Integrated School na mayroong 2,377 na evacuees.
Hindi pa makauwi ang nasabing mga evacuees sa kani-kanilang mga tahanan makaraang pasukin ng tubig baha ang kanilang mga bahay at maraming gamit ang hindi na halos naisalba.
MOST READ
LATEST STORIES