Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Bautista na ang 125 na indibidwal ay pinadalhan nila ng sulat para magpaliwanag.
Ang bawat isa aniya sa kanila ay bibigyang pagkakataon ng poll body upang idepensa ang kanilang sarili at patunayan ang kakayahan nila kung bakit hindi sila dapat na maituring na nuisance candidate.
Tiniyak ni Bautista na lahat sila ay pakikinggan at susuriin ng Comelec bago magpasya at bago ilabas ang pinal na listahan ng mga kandidato para 2016 elections.“Kung wala pong ipinadalang sulat sa kanila, at kung walang kasong isinampa para sila ay ma-disqualify, as far as the Comelec is concern, puwede na silang tumakbo, gusto ko rin klaruhin na porke napadalhan ng sulat to explain ay ibig sabihin ay nuisance candidate na sila,”
Ilan lamang sa pagbabatayan ayon kay Bautista ay ang personal na kakayahan ng isang indibidwal sa pamamagitan ng pagsuri sa kanilang track record at background.
Gayundin ang kanilang kakayahan na makapaglunsad ng nationwide campaign dahil ang tatakbuhan nila ay pampanguluhang halalan na mangangailangan ng malawakang pangangampanya sa buong bansa.