Navy ship ng US patungo na sa itinatayong artificial islands ng China sa West Philippine Sea

FILE - In this May 27, 2014 file photo, the USS Lassen is anchored in Yokosuka near Tokyo. The U.S. Navy is preparing to sail the USS Lassen near artificial islands built by China in the South China Sea in a long-anticipated challenge to what it considers Beijing’s "excessive claim" of sovereignty in those waters, two U.S. officials said Oct. 26. The officials said the White House approved the movement by the USS Lassen, a guided missile destroyer, around the Spratly Islands archipelago, a disputed group of hundreds of reefs, islets, atolls and islands in the South China. (AP Photo/Koji Sasahara, File)
(AP Photo/Koji Sasahara, File)

Papalapit na sa 12-mile limit sa paligid ng itinatayong artificial islands ng China ng West Philippine Sea ang USS lassen na isang guided-missile destroyer ng Estados Unidos.

Sa sandaling makarating na sa lugar, ang nasabing US Navy ship ay mananatili sa doon sa loob ng ilang oras ngayong araw.

Nagsimula nang bumiyahe ang barko sa bahagi ng Subi at Mischief reefs sa Spartly.

Agad namang kinundena ng China ang hakbang na ito ng US.

Ayon sa tagapagsalita ng Chinese Embassy sa Washington na si Zhu Haiquan, hindi pwedeng gamiting dahilan ng Estados Unidos ang freedom of navigation para sa ginawa nitong hakbang.

Sinabi ng Chinese Official na hindi dapat gumawa ng anomang mapaghamong aksyon ang US at dapat ay maging responsable at kumilos ng nararapat para mapanatili ang regional peace at stability.

Read more...