Sa datos mula sa Philippine Coast Guard, kabuuang 952 na bilang ng mga pasahero ang stranded.
Pinakamaraming stranded sa Cebu Port na mayroong 635 na pasaherong hindi pa makabiyahe.
Sa Pasacao Port naman sa Camarines Sur ay mayroong 122 na pasaherong stranded at 26 na pasahero sa Bulan Port sa Sorsogon.
Sa Batangas, mayroong 26 na pasaherong stranded sa Tingloy Port at 30 pasaherong stranded sa Calatagan Port.
Sa Quezon, mayroong 79 na pasaherong stranded sa Real Port at 34 naman sa Infanta Port.
Maliban sa mga pasahero, mayroon ding 36 na motorbanca at limang barko na hindi pinapabiyahe sa iba’t ibang pantalan dahil sa sama ng panahon.