Ito ang pagtitiyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos niyang makausap ang pinakamalaking grupo ng mga employer sa bansa.
Ayon kay Bello, nangako ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na mare-regular sa trabaho ang 300,000 pang mga manggagawa sa buong bansa.
Mismong ang mga kumpanya na miyembro ng ECOP ang nagbigay ng commitment para ipatupad ang regularization.
Sa sandaling mairegular ang nasa 300,000 pang mangggawa, sinabi ni Bello na aabot na sa 600,000 na mga contractual employees ang mare-regular ngayong taon.
MOST READ
LATEST STORIES