Cargo vessel pagmumultahin dahil sa aksidenteng pagsira sa coral reefs sa Albay

Magmumulta ng P665,000 ang isang cargo vessel matapos nitong aksidenteng sirain ang coral reefs sa Pasig Reef na sakop ng Barangay Arimbay sa Legazpi City, Albay.

Ayon kay Legazpi City Mayor Noel Rosal, aabot sa 253 square meters ng corals sa Pasig Reef ang nasira ng MV Germalyn.

Ani Rosal, gagamitin ang naturang halaga sa rehabilitasyon ng nasirang coral reefs.

Dagdag pa ng alkalde, hindi papayagan ng mga otoridad na makaalis ang MV Germalyn hangga’t hindi pa nito nababayarang ang kaukulang multa.

Batay sa imbestigasyon ng mga otoridad, karga ng cargo vessel ang copra mula Tacloban City at idedeliver lamang sa Legazpi Oil Company Inc. nang maganap ang insidente.

Read more...