Relocation site para sa mga illegal settlers sa Boracay inihahanda na

Tinukoy na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang napiling relocation site para sa mga illegal wetland settlers sa Boracay.

Ayon kay DENR Undersecretay for Policy, Planning and International Affairs Jonas Leones, inihahanda na nila ang paglilipatan ng mga illegal settlers sa Caticlan.

Kabilang sa kanilang preparasyon ang pagpapatayo ng mga bahay o paglalagay ng temporary tents na pansamantalang titirhan ng mga pamilya.

Paglilinaw ng opisyal, hindi nila pupwersahing agad na umalis ang mga residente sa mga wetlands dahil aminado siyang kailangan muna ng maayos na paglilipatan ng mga ito.

Ayon pa kay Leones, nag-offer ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ng holding area para sa mga handa nang umalis sa kanilang mga bahay sa wetlands.

Aniya, kumakausap na rin sila ng mga kumpanyang handang tumulong sa rehabilitasyon ng mga wetlands bilang bahagi ng kanilang corporate social responsibility.

Kabilang sa kanilang gagawin ang paglilinis, rehabilitasyon, at pag-secure sa mga wetlands.

Read more...