Bangkay ng isang lalaki natagpuan sa San Juan River

Nakitang palutang-lutang ang bangkay ng isang lalaki sa San Juan River, madaling araw ng Martes.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang lalaki na nakita lamang sa bahagi ng ilog na sakop ng Barangay Daang Bakal sa Mandaluyong City.

Ayon sa Mandaluyong City Police, isang traffic enforcer ang nakapansin sa lumulutang na walang buhay na katawan ng biktima.

Hinala ng mga otoridad, ang lalaki ang ikalima sa mga nasawi dahil sa malakas na pag-uulan na nagdulot ng malawakang pagbaha at pagtaas ng tubig sa mga ilog nitong nagdaang weekend.

Read more...