Nais malaman ng Kamara kung saan napunta ang kinita ng pamahalaan sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclution o TRAIN Law.
Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., nais nilang makita sa panukalang P3.757 national budget sa susunod na taon ang kita sa TRAIN Law.
sinabi ni Andaya na dapat maramdaman ito sa panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.
Paliwanag nito, sa halip na taasan ang 2019 proposed national budget, nabawasan pa ito ng P10 billion mula sa P3.767 trillion general appropriations ngayong 2018.
Isa sa mga nakikitang epekto ni Andaya sa hakbang na ito ng Department of Budget and Management ay ang pagkompromiso ng mga proyekto sa ilalim ng Build, Build, Build Program ng duterte administration.
Noong ipinapasa pa lamang aniya ang TRAIN Law ay ipinapangako ang sapat na pondo para sa naturang programa.
Kung titingan anya ang pondo ng Department of Public Works and Highways para sa susunod na taon, binawasan ito ng P90 billion matapos gawing cash-based ang budgeting system.