SBMA Chair Eisma kinasuhan ng graft sa Ombudsman

Inquirer file photo

Sinampahan ng kaso sa Office of the Ombudsman si Subic Bay Metropolitan Authority Chairperson Wilma Eisma dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Sa kanyang reklamo, sinabi ni Atty. Raymund Palad na nabigo si Eisma na mag-divest ng kanyang share sa TECO Philippines na isa sa mga locator sa loob ng SBMA.

Ang TECO Philippine ay isang kumpanyang gumagawa ng mga electri motor na may malawak na pasilidad sa loob ng Gateway Park sa.

Sinabi ni Palad na miyembro rin ng board of directors ng TECO Philippines si Eisma.

Bilang kasapi sa board, sinabi ng complainant na tumatanggap ng regular na sweldo at allowances mula sa nasabing kumpanya ang naturang SBMA official.

Hiniling rin ni Palad sa Ombudsman na muling isalang sa review ang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ni Eisma para patunayan na hindi niya isiniwalat dito na opisyal siya ng TECO Philippines.

Read more...