Mga kumpanya ng langis nagpatupad ng rollback ngayong araw

Oil photo genericMuling nagpatupad ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.

Epektibo alas 12:01 ng madaling araw ng Martes, October 27, nagpatupad ng P1.00 rollback sa presyo ng kada litro ng gasolina, P0.35 sa presyo ng kada litro ng diesel at P0.40 sa presyo ng kada litro ng kersone ang mga kumpanyang Petron at Seaoil.

Parehong rollback din ang ipinatupad ng mga kumpanyang ng Phoenix Petroleum, PTT, at Eastern Petroleum sa kanilang produktong gasolina at diesel alas 6:00 naman ng umaga.

Habang mas mababa naman ang rollback na ipinatupad ng kumpanyang Shell na P0.95 sa presyo ng kada litro ng gas, at P0.25 centavos sa presyo ng kada litro ng diesel.

Read more...