EDSA-Quezon Avenue nilagyan ng traffic lights, daloy ng trapiko gumaan

quezon ave edsa
FILE PHOTO

Ikalawang araw na ngayon ng pagpapatupad ng pagbabago sa daloy ng trapiko sa bahagi ng EDSA kanto ng Quezon Avuenue sa Quezon City.

Simula kahapon naglagay ng traffic lights at hindi na kailangang mag U-turn ng mga sasakyang galing elliptical road at patungo sa Welcome Rotonda o di kaya ay sa Southbound lane ng EDSA.

Sa halip, maari na silang mag-left turn kung patungo ng EDSA Southbound at dumeretso kung patungo sa Welcome Rotonda.

Ayon sa mga motorista, simula kahapon hanggang ngayong umaga gumaan ang daloy ng traffic sa lugar.

Sa datos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nasa 4,000 mga sasakyan kada oras ang gumagamit ng dalawang U-turn sa ilalim ng EDSA Quezon Avenue flyover.

Sa susunod na linggo matutukoy kung talagang epektibo ang ginawang pagbubukas sa EDSA-Quezon Avenue Intersection, na panahon ng pagbabalik sa eskwela ng mga estudyanteng naka-sembreak ngayon.

Sa buwan ng Nobyembre, target ng MMDA na buksan din ang intersections ng EDSA-Roxas Boulevard at EDSA-Congressional Avenue.

Read more...